Teka, teka
Teka lang. Bakit kayo galit kay Teri Hatcher? Ginagawa lang niya ang trabaho niya. Kung mayroon kayong dapat kainisan, yung mga nagsulat ng script dapat, 'di ba?
Gusto ninyo ng public apology for racism? Eh sandali. Kung mayroong racist dito, tayo 'yon, hindi sila. Tayo ang mayroong nalalamang, "mababahong Bumbay," "bobong Amerikano," "manyak na Hapon," "Intsik na nangangain ng bata," "mamamatay tao/magnanakaw na Negro," "baduy na Mexicano," at marami pang iba. Bakit mas may karapatan tayong maging racist? Kasi mahirap tayo? Kasi tayo ang kawawa?
Kung pipirma man tayo sa petition, dapat para sa reputasyon ng mga doktor na Pinoy sa US na masisira dahil sa isang pagkakamali ng scriptwriters. Ang isipin natin yung mangyayari sa mga Pinoy na nasa US ngayon, at sa mga kasalukuyang nagsasanay dito para makapunta doon. Kung nagagalit kayo dahil nasaktan ang pride ninyo, kayong mga TNT at kayong mga nangangarap na tumira sa US para makakangkang ng puting mukhang mayaman, mahiya kayo sa kulangot ninyo.

amused

sleepy


bored
sarcastic

